ISANG BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA TAGA CONLUCK
Ayokong magyabang dahil wala akong karapatan. Atsaka, bata pa naman ako sa edad na tatlumpu't tatlo para sabihing mahusay na ako sa pakikisama at pagtantya ng ugali ng isang tao. Hindi din ganun kalawak ang experience ko para sabihing eksperto na ko sa pakikisalamuha sa mga tao.Ang sinasabi ko lang, pag mahal mo ang trabaho mo madali na ang lahat.
Mahaba na ang pinagsamahan natin. May mga baguhan sa samahan, pero dahil halos araw araw mukha ng isa't isa ang nakikita natin parang wala ng bago. Halos kabisado na din natin ang ugali ng isa't isa. Yun nga lang hindi talaga maiiwasan na mapikon ka sa kasama mo. Lalu na yung mga tao na matanda na, eh, ang tigas pa rin ng ulo. Well, actually, lahat tayo matatanda na.
Noong naghiwalay ang original na grupo ng Infinity, sa maniwala kayo o hindi, nalungkot ako. Inaamin ko na may mga nakasamaan ako ng loob sa mga katrabaho ko, sinasadya man o hindi. Pero dahil mahaba na ang pinagsamahan namin hindi ko pa rin maiwasang mamiss yung 'kabila'. Hindi din ako nagsisisi na pinili ko si Boss Ferdie, dahil sa dalawang taon ko sa Infinitygold pakiramdam ko mas naging mabuti akong tao. Mas nakilala ko ang sarili ko dahil sa mga responsibilidad na inatang sa akin na kaya ko naman pala. Para sa akin mas nahasa din ako sa 'line of profession' ko. Although, feeling ko walang room for growth doon, dahil parang politics, ilan lang ang nakikinabang (sorry, bato bato sa langit, tamaan may bukol!). At ang pinaka importante, natutunan kong tanggapin ang isang tao kahit siya pa ang pinakaimposibleng maintindihan, di ba Joanna?
So, make the long story short, nandito na 'ko sa Conluck. And I'm very pleased with my decision. Mas at home ako kasi matagal ko na kayong kakilala. Kahit kay Malou, Aries at Ate Arlyn na ngayon ko lang talaga nakasama, okay din ako. Si Ate Dalyn namisunderstood ko lang talaga nuon (pasensya na). Kumbaga, bukod sa trabaho, ang hinabol ko din dito ay yung mga makakasama ko (uy...cheesy!). Si Desiree na lang ang kulang!
Lately, napapansin ko na may mga namumuo na namang sigalot (mini sigalot lang naman). At para sa akin misunderstanding din ang dahilan. Alam ko na merun sa atin na may inugat na sa kalumaan ang samaan ng loob. Hindi ko na kayo papangalanan, pero Lorgi at Gie tama na. Kahit siguro sabihan ko si Gie e hindi yan titigil sa pagpaparinig kasi yan si Gie. Matigas talaga ulo niyan lalu na pag feeling niya tama siya. Kaya ako na humihingi ng paumanhin sa'yo Lorgi. Minsan yun inaasal din ni Gie na pasaring sa'yo o sa asawa mo ay uncalled for. Hindi mo din masisisi si Gie o kahit sino pa sa amin ang minsan eh talagang nagpaparamdam na ng inis kay George. Alam mo din naman ang dahilan. At may kanya kanya tayong katwiran, kaya walang mananalo. And let us not dwell with that. Sayang ang oras.
Ang hinihiling ko lang sa ating lahat----LAWAKAN NATIN ANG PANG UNAWA SA ISA'T ISA.
Lawakan mo Lorgi ang pasensya mo sa mga taong nagpapasaring sa'yo dahil yan talaga kakambal pag kasama mo asawa mo sa trabaho. Lalu na kung ang asawa mo eh minsan (actually madalas) hindi tumatanggap ng katwiran o suggestion. May makakabangga talaga siya at ikaw ang pinaka maaapektuhan. At wag mo na namang sasabihing solution ang pagreresign ni George. I really hate you when you said that nuong nakaraang open forum natin. You know it's lame. At sana Gie iwasan mo na din ang magparinig kasi hindi yun productive. Naniniwala pa din ako na mas maganda na dinidiretso mo ang tao kasi mas may sincerity duon, at palagay ko mas maiintindihan ka. Kung feeling mo eh hindi ka talaga pinapakinggan at sinasadya talaga na asarin ka, well, sabi mo nga "smile na lang". Mas mabuti siguro na magtrabaho na lang tayo kesa makipag away. Di ba?
Isa pa, Mareng Irene at Mhay konting hinay kay Melissa. Konting preno, May, ng pagkukwento kay Irene na walang ginagawa si Melai. Pustahan tayo, ikaw ang makaubos ng halos 3 booklet ng invoice sa isang araw, eh palagay ko hahanap ka din ng oras na mapahinga ang kamay mo. Si Irene kasi madaling maniwala sa kwento lalu na pag kaclose na nya yung nagkukuwento (sorry, Mare), eh ito namang Melissa allergic, pag may taong galit sa kanya o kaya nagpapakita ng galit sa kanya lumalawa agad ang mata. Sa totoo lang masisipag tayong lahat sa Conluck kaya nga lumalaki ang kumpanya natin eh. Yung mga ganyang bagay tulad ng pagpe-facebook e maliit lang yan, na dapat eh hindi na pinalalaki. Parang yung kay Sweet, nadadaan naman sa usap si Sweet. Ayan improving na sa bilis ng pagtatrabaho (daw). Love you, Sweet. Alam din naman ni Melissa yung limit nya. Pero, Mel, advice lang, hinay hinay ka din sa pagsagot kasi may moment ka na pabalang sumagot, tulad nuong nangyari sa inyo n i Lorgi. Okay?
Alam ko na malamang eh may magalit o kaya may magtampo sa inyo sa akin dahil dito sa sinulat ko. Di ba nga, SINO BA AKO? Well, concern citizen lang po. Mahal ko na itong pamilya natin sa Conluck. Ayoko ng maulit yung awayan nuon sa lumang Infinity (di ba Mare, alam mo yun) at yung plastikang umaatikabo sa Infinitygold (di ba Joanna?).
Saka para na lang kay Boss Jude na ubod ng bait sa atin. Kung siya nga nananahimik na lang din hangga't kaya wag lang siya makasakit ng tauhan nya. Alam din nya yung mga samaan ng loob ng mga tao niya pero siguro katwiran na lang nya eh MATATANDA NA TAYO. Tayo ng mag ayos ng sarili nating gusot.
Pakiintindi si George kasi ginagawa lang nya trabaho nya, si Lorgi kasi siya ang naiipit talaga, si Gie kasi matanda na (joke) pero may point naman hindi lang nililinaw, si Melissa kasi masipag din naman talaga, at ako dahil ubod ako ng inarte dinala ko pa hanggang sa pagba-blog. Kesehodang madami ang makabasa.
Pag mahal mo trabaho mo, mas magandang matutunang mahalin yung kasamahan mo sa trabaho. Para everybody happy.
Nanenermon lang po....pasenya na.
1 comments:
wow, di lang sermon! sinabon, binanlawan, kinula, sinabon at binanlawan mo ulit sila.
in all fairness, you have a point. trabaho lang, walang personalan!
Post a Comment